Pinasinayaan ng LGU Kauswagan, sa pangunguna ni Mayor Rommel Arnado, katuwang ang Philippine Coconut Authority…
Global Forum for Food and Agriculture (#GFFA2024)
- January 18, 2024
Kasalukuyang ginaganap ang Global Forum for Food and Agriculture (#GFFA2024) sa Berlin, Germany kung saan isa sa mga naging showcase nito ang From Arms to Farms Program ng Kauswagan (January 17-20, 2024).
Sa imbitasyon ng Federal Ministry of Food and Agriculture ng bansang Germany, nagkaroon ng partisipasyon ang LGU Kauswagan at From Arms to Farms Foundation (FATF Foundation) sa nasabing pagtitipon ng mga experts, government officials, #SDG at anti-hunger advocates, at iba’t ibang organisasyon mula sa Europa, North America at iba’t ibang bansa.
Ang ating booth kung saan nagkaroon ng display ng ating visibility materials kabilang ang mga flyers, program overview at coffee table book ay binisita ng iba’t ibang mga delegado sa opening ceremony ngayong araw. Ang ating preparasyon at partisipasyon ay sinagot ng mga organizers sa kadahilanang nais nilang maipakita sa mga partners sa buong mundo ang tagumpay at mga prosesong ginawa dito sa Kauswagan na pumuksa sa gutom at kahirapan.
Ang tema ng pagtitipon ay “Food Systems for Our Future: Joining Forces for a Zero-Hunger World”
Ang FATF Foundation focal person na si Ms. Marisa Lerias ang siyang kumatawan sa Kauswagan at para kay Mayor Rommel Arnado. Personal na inimbita si Mayor Arnado at ang Kauswagan ni Mr. Bernward Geier, Director of Colabora, isang kilalang book author at dalubhasa sa agricultural and environmental politics sa Europa.
Ang international event na ito ay inaasahang magbubukas na naman ng mga pagkakataong palawakin ang ating trabaho para sa kapayapaan at #sustainabledevelopment.
Para sa karagdagang updates, sundan ang IFOAM – Organics International na kasama at partner ng Kauswagan sa adbokasiyang ito.
You might also like...
- All Posts
- Our Works
LOOK: The Municipality of Kauswagan is the GRAND WINNER in the 2024 Association of Tourism…
The Elite Eagles Club's drug awareness campaign is set to continue today, bringing together 172…
- All Posts
- Our Works
Pinasinayaan ng LGU Kauswagan, sa pangunguna ni Mayor Rommel Arnado, katuwang ang Philippine Coconut Authority…
LOOK: The Municipality of Kauswagan is the GRAND WINNER in the 2024 Association of Tourism…
The Elite Eagles Club's drug awareness campaign is set to continue today, bringing together 172…