Flag Raising Ceremony – January 12, 2026
- January 12, 2026
Malinaw at magaan sa pakiramdam ang mensahe ni Mayor Sonia A. Arnado sa kanyang unang Flag Raising ceremony ngayong taon 2026. Ayon kay Mayor Arnado, masaya siyang makita muli ang mga masasayang mukha ng mga manggagawa na tila ba handa na rin ito sa mga hamon na dala ng bagong taon. Pinasalamatan ni Mayor Arnado ang buong konseho sa pamumuno ni Vice Mayor Rommel C. Arnado sa suporta umano nito sa kanyang pamumuno mula nang siya ay nailoklok bilang alkalde.
Pinaalalahanan din ng Mayora ang lahat na kalimutan na umano ang mga negatibong pangyayari ng nakaraang taon at tutukan ang positibong pananaw at pagkakaisa. Maging ang pagsilbi sa kapwa na may buong katapatan at integridad ay kanyang binigyang diin. Ipinaalala din nito na sa abot ng kanyang makakaya ay sisiguraduhin nitong walang maiiwan at umanoy samasama ang lahat na may pagmamahal at kapayapaan tungo sa pag-unlad.
Samantala, nagsalita din si Vice Mayor Rommel Arnado patungkol sa kanyang mga obserbasyon at updates.
Ipinagmalaki nito ang mga naipasang resolusyon at ordinansa. Layunin din ng bise mayor na mas maging produktibong sa taong 2026 kung kaya ay kanyang pinaalalahanan ang pag “re-visit” sa mga ordinansa ng bayan ng Kauswagan at maipasunod ito. Kanya ding ipinaalala ang mga kinakailangan maipagpatuloy na mga programa ng LGU at umanoy ma “sustain” ito.
Mainit na pagtanggap naman para sa mga internasyonal na panauhin, kabilang ang mga biodynamic consultant na sina Mr. Sandeep Kammat (India) at Mr. Marius Horner (Germany–Zurich), na nagbahagi ng mga inisyatiba sa pagbabago ng Kauswagan mula sa organic tungo sa biodynamic na pagsasaka.
You might also like...
- All Posts
- Our Works

January 16, 2026
Pinangunahan ni Bise Alkalde Rommel Arnado ang 4th Quarter 2025 na Local School Board Meeting…

January 15, 2026
Pinangunahan ni Bise Alkalde Rommel Arnado ang 4th Quarter 2025 na Local School Board Meeting…

January 15, 2026
Para sa epektibong pagnenegosyo at mabilis na mga serbisyo, inaanyayahan ang mga business owners na…














