Ipinagmamalaki ni Mayor Rommel Arnado ang Annual Qur’an Reading Competition na ginanap sa Municipal Gymnasium.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad ng bayan ng Kauswagan at mga bisitang mula pa sa probinsiya ng Lanao del Sur at mga dalubhasa sa pagbabasa ng Qur’an.
Ayon kay Mayor Arnado, ang suporta at partisipasyon ng LGU sa taunang kumpetisyon ay simbolo ng taus-pusong pakikiisa sa mga Kauswaganong Muslim. Inihayag din ng Alkalde ang kanyang dedikasyon at patuloy na suporta sa mga #Madrasah schools dito.
Dagdag pa ni Mayor Arnado, nais niyang ipagpatuloy at palaguin ang magandang relasyon ng mga Kristiayano at Muslim sa pamamagitan ng mga suporta sa bawat religious activities ng bawat grupo.
Layunin ng nasabing aktibidad ang itaguyod ang mas mahusay na pag-unawa sa Holy Qur’an bilang isang kasangkapan para sa kapayapaan.