Sa kauna-unahang pagkakataon, naging host ng isang malaking international event ang Municipality of Kauswagan, Lanao del Norte. Ginanap mula June 4 hanggang June 10 ang 6th Organic Asia Congress kung saan dumalo ang mahigit 1,390 na delegado mula sa iba’t ibang lugar. Kasama dito ang mahigit 200 na foreign delegates mula sa 32 bansa sa buong mundo.
Mahalagang bigyang pansin ang adbokasiya sa organikong agrikultura dahil sa ganitong paraan, magiging mas maayos ang ating pamumuhay at makakatulong tayo sa pagkamit ng mga adhikain para sa #sustainabledevelopment.
Sa pangunguna ni Mayor Rommel Arnado, patuloy ang pag gamit at pag-promote ng organic agriculture dito sa Kauswagan at marami pang ibang lugar.