Isinagawa ang youth leadership symposium and workshop sa Kauswagan sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan – Kauswagan, Lanao del Norte kung saan sumailalim sa training program ang mga kabataan upang sila ay magiging responsabling mamamayan.
Ibinahagi ni Mayor Rommel Arnado ang kanyang karanasan sa #goodgovernance at inaanyayahan ang mga kabataan na maging mas malakas at maging agresibo sa paglilingkod sa kapwa at komunidad. Kinilala din ni Mayor Arnado ang mga achievers na mga Kauswaganon na nag-excel sa larangan ng pagseserbisyo at akademya.
Maraming kabataan na Kauswaganon at nagsipagtapos sa high school at kolehiyo at iilan sa kanila ay nagtapos bilang summa cum laude, magna cum laude, at cum laude sa mga kilalang kolehiyo at unibersidad.
#sikadpaKauswagan
#uswagKabataan